Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

Central Luzon ABEs nakilahok sa Drying and Milling Training
by Karl Allen V. Aquino, Mark Dheniel A. Gutierrez (September 25, 2026)
Sa ilalim ng proyektong Enhancing the Technical Capability of the Industry Stakeholders on Mechanization and Postharvest Technologies for Rice, nagsagawa ang PHilMech ng Training Course on Mechanization and Postharvest Technologies: Drying and Milling na nilahukan ng 33 Agricultural and Biosystems Engineer (ABE) Technical Staff mula sa iba’t ibang munisipalidad at probinsya ng Central Luzon noong September 22–25, 2026, sa PHilMech Main Office, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kasanayan sa wastong produksyon at postharvest ng palay, kabilang ang paggamit, pagpapanatili, at pagsasaayos ng mga makinaryang pang-agrikultura.

Sentro ng pagsasanay ang paggamit ng Combo-Impeller Rice Mill, isang teknolohiyang binuo ng PHilMech para sa mas episyente at maayos na proseso ng paggiling ng palay.

Samantala, nagsagawa ang mga kalahok ng site visit sa Rice Processing System (RPS) II ng CENTER Cooperative sa Brgy. Casongsong, Guimba, Nueva Ecija, kung saan nasaksihan nila ang aktuwal na operasyon ng pasilidad kasama ang mga kawani ng kooperatiba.

Sa pamamagitan ng pagsasanay at aktuwal na pagbisita sa pasilidad, nabigyan ang mga kalahok ng karagdagang kaalaman at praktikal na karanasan na maaari nilang magamit sa pagsuporta sa mechanization at postharvest development sa kanilang mga lugar.