Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

PHilMech, Nakibahagi sa Lakbay Palay 2026
by Ma. Bernadeth P. Grospe, Feidan Lee Morales (September 25, 2026)
Para palawigin ang mga impormasyon sa mekanisasyon, nakiisa ang PHilMech sa Wet Season Lakbay Palay 2026 na isinagawa ng Philippine Rice Research Institute sa Central Experiment Station nito sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija noong September 18.

Mahigit sa 500 ang lumahok sa aktibidad kabilang ang Rice Business Innovations System (RiceBIS)-assisted na farmers’ cooperatives and associations, local government units, at national agencies, kasama rin ang mga partner media at social media influencers.

Itinampok naman ng PHilMech sa exhibit booth nito ang RCEF Mechanization Program na nakatuon sa pamimigay ng mga libreng makinarya sa mga qualified na samahan ng magsasaka, at ibinahagi rin ang Radyo Agri 90.1 FM, opisyal na radio station ng ahensiya, sa ginanap na stakeholder’s forum.

Sa pamamagitan ng Lakbay Palay, inaasahang maihahatid sa mga magsasaka at konsyumers ang mga pag-aaral, inobasyon, at teknolohiya na sumusuporta sa pagtataguyod sa sektor ng agrikultura.