Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

RCEF at RAFMES, Ipinakilala sa San Fernando, La Union
by Ma. Bernadeth P. Grospe, Gladys D. Delizo (September 25, 2026)
Ipinakilala ng PHilMech ang RCEF Mechanization Program at Registration of Agricultural and Fisheries Machinery and Equipment System (RAFMES) sa isinagawang Training on Farm Mechanization sa San Fernando City, La Union noong September 10-11.

Dinaluhan ito ng mga punong barangay, miyembro ng Committee on Agriculture, at mga kinatawan ng Farmers’ Cooperatives and Associations (FCA) sa lungsod, kung saan tinalakay ang mga benepisyo ng RCEF Mechanization Program, pati ang proseso at kinakailangang requirements para sa akreditasyon at kwalipikasyon ng mga FCA.

Bukod dito, ibinahagi ng ahensiya ang mga impormasyon at kahalagahan ng RAFMES sa monitoring ng mga farm machinery sa kanilang lugar.

Nagkaroon din ng talakayan sa operation at maintenance ng small engines, product demonstrations, at open forum upang matugunan ang mga katanungan at concerns ng mga kalahok.

Para mapalawak pa ang kaalaman sa programa at serbisyo ng ahensiya, patuloy ang PHilMech ng pagbibigay ng mga kaalaman at suporta sa mga lokal na sektor. Layunin nitong maisulong ang wastong pagpaparehistro, paggamit, at pamamahala ng mga makinarya at kagamitang pang-agrikultura at pangisdaan.