Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

PHilMech employees lumahok sa Project PUNLA 2026
by Pia Sarina M. Fukasawa (September 24, 2026)
CARRANGLAN, NUEVA ECIJA — Nakiisa ang mga kawani ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) sa Project PUNLA 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 na Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).

Isinagawa ang tree-growing activity noong September 24, 2026 sa Sitio Kalyo, Barangay R.A. Padilla, Carranglan, Nueva Ecija, na may temang “Lingkod Bayani, Luntiang Kinabukasan: Bawat Punla, Alay sa Bayan.”

Layunin ng aktibidad na itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan, pagkakaisa, at sama-samang pananagutan ng mga kawani ng pamahalaan at iba pang stakeholder sa pagsusulong ng isang mas luntian at napapanatiling kinabukasan.

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punla, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang pakikiisa sa adbokasiya para sa pangangalaga ng kapaligiran at ang pagpapahalaga sa serbisyo, pagkakaisa, pananagutan, at pagpapanatili ng kalikasan—mga pagpapahalagang kaakibat ng pagiging lingkod-bayan.

Ang Project PUNLA 2026 ay nagsilbing culminating at closing activity ng 126th PCSA celebration sa Nueva Ecija.