Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

COA, nagsagawa ng pagsasanay sa pamamahala ng pondo para sa PHilMech
by Marie Fe G. Carpio (September 17, 2026)
Nagsagawa ang Commission on Audit (COA) ng tatlong araw na pagsasanay tungkol sa Cash Management and Control System (CMCS) sa mga empleyado ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization noong September 15-17, 2026.

Layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman ng mga participants sa tamang pamamahala, pag-control, at pag-account ng cash at government funds.

Tinalakay sa pagsasanay ang accountability, responsibility, at liability, kasunod ang mga proseso at patakaran sa disbursement of government funds sa pangunguna ni State Auditor IV Vilma S. Guevarra. Habang pinangunahan naman ni State Auditor IV Fedalyn M. Macapinlac ang talakayan patungkol sa cash advances at collections.

Sa pamamagitan ng CMCS training ay mas nabigyan ang mga empleyado ng PHilMech ng pagkakataong mas maunawaan ang mga patakaran at proseso sa paggamit ng government funds. Bahagi ito ng capacity-building initiative ng Commission on Audit para sa mas maayos na financial management sa pamahalaan.