Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

4,060 Magsasaka ng Cabanatuan City, Makikinabang sa Rice Processing System 3
by Jhian Chrissie A-lea-son G. Padilla (September 17, 2026)
Bilang bahagi ng layunin ng RCEF Mechanization Program na mapataas ang ani at kita ng mga magsasaka, pormal na isinagawa ng PHilMech ang pagpapasinaya at turnover ng Rice Processing System 3 (RPS 3) na ipinagkaloob sa City Local Government Unit ng Cabanatuan City, Nueva Ecija, ngayong September 17, 2026.

Pinangunahan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang inagurasyon at turnover kasama sina PHilMech Director IV Dr. Dionisio G. Alvindia, DA Regional Field Office III Executive Director Eduardo L. Lapuz, Jr., 3rd District Representative Julius Cesar V. Vergara, at Cabanatuan City Mayor Myca Elizabeth R. Vergara.

Ang RPS 3 ay binubuo ng multi-stage rice mill na nagkakahalaga ng Php61.5 million at may kapasidad na 4-5 tons per hour, at tatlong recirculating dryers na may 12 tons per batch drying capacity na nagkakahalaga naman ng Php13.34 million. Sa kabuuan, nagkakahalaga ng Php74.84 million ang mga pasilidad.

Tinatayang 4,060 magsasaka ang direktang makikinabang sa pasilidad, na inaasahang magpapabilis sa pagpoproseso ng palay at makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan.

Samantala, nagkaroon din ng “Ugnayan sa mga Magsasaka,” kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga magsasaka na direktang magtanong kay DA Sec. Tiu Laurel, magpahayag ng kanilang mga pangangailangan at suliranin, at magbahagi ng kanilang mga karanasan sa pagsasaka.

Ang proyektong ito ay isang buhay na patunay ng patuloy ang pagsusulong ng pamahalaan sa adhikain ng Bagong Pilipinas para sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga magsasaka.