Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

9th Annual General Assembly ng HRMPs sa Nueva Ecija, isinagawa sa PHilMech
by Karl Allen V. Aquino (September 16, 2026)
Kaisa sa paggunita ng ika-126 anniversary ng Civil Service Commission (CSC) na may temang “Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan,” isinagawa ng mga Human Resource Management Practitioners (HRMPs) ng Nueva Ecija ang kanilang 9th Annual General Assembly noong September 16 sa PHilMech Main Office, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan at pagbabahaginan ng kaalaman ng mga HR practitioners, gayundin ang pagkilala sa kanilang mga programa, gawain, at kontribusyon sa serbisyo publiko.
Ipinresenta rin sa pagtitipon ang mga naging aktibidad para sa anniversary ng CSC, kabilang ang medical mission at 2026 Survival Run for a Cause, gayundin ang pagbibigay ng financial assistance sa mga benepisyaryo.

Tampok din ang Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM) Story, kung saan nagbahagi ang mga kinatawan ng HR mula sa PHilMech, LGU Rizal, LGU Bongabon, at LGU Natividad ng kanilang PRIME-HRM journey, na sinundan ng Awards Rites para sa mga HRMPs sa pangunguna ng CSC Field Office-Nueva Ecija.

Dumalo sa aktibidad sina PHilMech Director IV Dionisio G. Alvindia, Ph.D.; CSC Field Office-Nueva Ecija Director II Eleanor M. Prado; CSC Regional Office III Assistant Regional Director Atty. Elenita P. Ugay; NEPOAWD Inc. President Arnold Yambot; NEWADA President Crisalina D. Del Rio; at NECPO Inc. President Romeo S. Yacan, Jr.