Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

PHilMech personnel, sumailalim sa Orientation on Proper Filing of Income Tax Returns
by Joanna Aquin R. Hofileña (August 3, 2026)
Upang turuan at gabayan ang mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) personnel ng ahensya sa tamang pagsunod sa mga obligasyon sa pagbubuwis, nagsagawa ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech), sa pangunguna ng Finance Division at katuwang ang Bureau of Internal Revenue (BIR) - Revenue District Office (RDO) 23A, ng Orientation on Proper Filing of Annual and Quarterly Income Tax Returns for Professional Services ngayong August 3, 2026, sa PHilMech Training Hall.

Tinalakay nina BIR Officers Ms. Donna Fortune S. Canlas, Ms. Christine Joy P. Manalang, at Ms. Jewell Mae A. Gimeno ang wastong filing ng annual at quarterly income tax returns, mga kaugnay na non-compliance penalties, at ang mga hakbang sa pagresolba ng mga pending o open tax cases.

Binigyang-diin ni Ms. Babylinda O. Reyes, Chief ng Finance Division, ang kahalagahan ng aktibidad upang matiyak ang pagsunod ng mga PHilMech personnel sa mga kinakailangan sa pagbubuwis at maiwasan ang mga posibleng isyu at kaukulang multa.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga PHilMech personnel na magtanong at makatanggap ng mga paglilinaw mula sa mga kinatawan ng BIR hinggil sa taxpayer registration, paghahain ng tax returns, at pagbabayad ng buwis. Sa pamamagitan ng orientation na ito, inaasahang higit na magiging handa at maalam ang mga COS at JO personnel ng ahensya sa pagtupad sa kanilang mga obligasyon bilang mga nagbabayad ng buwis.