Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

PHilMech Pinalalakas ang Kaalaman ng mga Kawani sa Intellectual Property Rights
by Shaira Gem M. Lacson (August 24, 2026)
Isinagawa ng PHilMech Technology Management and Training Division (TMTD) sa pamamagitan ng Innovation and Technology Support Office ang Foundation Course on Intellectual Property (IP) Rights and Training on Basic Patent Search and Claims Drafting noong August 24–27 sa AFMechErn, PHilMech, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Dinaluhan ang apat na araw na pagsasanay ng mga piling kawani mula sa iba’t ibang PHilMech divisions, kabilang ang Interim Communication Technology and Digital Transformation Division, Facility Management and Field Operation Division, Coconut Trust Fund–Field Management and Operations Division, Food Protection Division, Bio-Process Engineering Division, Laboratory Services Division, Agricultural Mechanization Division, at Socio-Economic and Policy Research Development.

Layunin ng pagsasanay na palalimin ang pag-unawa ng mga kalahok tungkol sa IP rights at mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagsasagawa ng basic patent searches at pagbuo ng patent claims. Nakatuon din ito sa pagtulong sa mga kalahok na masuri ang novelty at inventive step ng mga produktong may kaugnayan sa software, mga mekanikal na imbensyon, proseso at sistema.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mas mapapalakas ang kaalaman at kasanayan ng mga kawani sa pagprotekta at pamamahala sa mga inobasyon na nade-develop mula sa mga gawain sa pananaliksik at pagpapaunlad ng PHilMech.