Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

GAD Orientation, isinagawa para sa PHilMech GFPS
by Noel S. Mariano Jr. (August 24, 2026)
Kaalaman, responsibilidad, at functionality ng Gender and Development Focal Point System (GFPS) ang binigyang-pansin sa isinagawang GAD Orientation ng PHilMech noong August 24, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kapasidad ng GFPS.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Dr. Nelson C. Santiago, Interim Director for Research and Development at GAD Executive Committee Chairperson, ang mga miyembro ng GFPS na patuloy na matuto tungkol sa mga konsepto ng GAD.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging bukas sa bagong kaalaman at paghamon sa mga nakasanayang pananaw upang maisulong ang isang gender-responsive workplace.

Pinangunahan naman ni Dr. Marianne P. Villaruel, miyembro ng PCW National GAD Resource Pool, ang mga talakayan sa tatlong module: Gender Sensitivity; GFPS Responsibilities and Gender Analysis Tools; at GFPS Functionality Assessment Tool.

Nagkaroon ang mga kalahok dito ng mas malinaw na pag-unawa sa kanilang mga tungkulin bilang GFPS members at sa mga pamamaraang maaaring gamitin sa pagsusulong ng GAD initiatives sa ahensya.