Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

Radyo Agri at DepED MNHS-Main, Nagpulong para sa Posibleng Partnership ng kanilang SPJ Learners
by Mary Ann Rose G. German, Aejay S. Masangcay, Ma. Bernadeth P. Grospe (July 28, 2026)
Nakipagpulong ang Department of Education - Muñoz National High School Main (MNHS-Main) sa Radyo Agri 90.1 FM noong July 28, 2026, upang talakayin ang potensyal nitong kolaborasyon sa himpilan.

Pinangunahan ito nina Applied Communication Division Chief at Radyo Agri 90.1 FM General Manager Elijah Z. Davalos at Program Lead Ma. Bernadeth P. Grospe sa panig ng himpilan, habang si Head Teacher III Wensdy S. Casio naman ang nanguna sa panig ng DepEd-MNHS Main.

Sentro ng talakayan ang posibleng collaborative initiatives sa broadcasting, media training, at mentorship program para sa mga Grade 9 ng Special Program in Journalism (SPJ) ng naturang paaralan.

Sa ilalim ng magiging kolaborasyon, inaasahang mabibigyan ang mga mag-aaral ng aktwal na karanasan sa radio broadcasting sa istasyon.

Nagbigay din ng ilang ideya at mungkahi si PHilMech Manpower Development Officer I Kyla Marie G. Bustos upang magabayan ang DepEd MNHS-Main sa mga preparasyon kaugnay sa magiging aktibidad ng mga learner nito.

Samantala, ipinahayag ni Casio ang magiging kontribusyon ng magiging exposure ng mga learner sa Radyo Agri 90.1 FM sa naturang inisyatiba.

Aniya, “Inaasahan namin ang magiging magandang feedback ng programang ito at lubos kaming nagpapasalamat sa ganitong klaseng pagkakataong maiparanas sa aming mga estudyante. Naniniwala kami na ito ay malaking tulong sa kanilang tatahaking landas sa path ng journalism.”

Nagpasalamat naman ang Radyo Agri 90.1 FM sa pagkonsidera sa himpilan sa pagkahubog ng mga mag-aaral sa broadcasting, at inaasahang sisimulan ang naturang kolaborasyon alinsunod sa mga magiging kasunduan ng PHilMech at ng paaralan.