Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

Rice processing facilities, inilunsad sa Cagayan
by Christine V. Ang (June 3, 2026)
Dalawang Rice Processing Systems (RPS) sa ilalim ng RCEF Mechanization Program ang inilunsad ng PHilMech sa lalawigan ng Cagayan noong June 2, 2026.

Sa pangunguna ni PHilMech Director IV Dr. Dionisio G. Alvindia, pinasinayaan ang RPS 1 na nagkakahalaga ng Php22.3 million para sa Claveria Farmers Multipurpose Cooperative. Binubuo ito ng isang unit ng 1.5-tph multi-stage rice mill, dalawang unit ng 6-ton recirculating dryer, at isang unit ng 12-ton recirculating dryer.

Kasabay nito, isinagawa rin ang groundbreaking ceremony para sa RPS 2 na ilalaan sa Municipal Local Government Unit ng Claveria, na nakatakdang namang i-procure ngayong taon.

Nagpahayag naman ng suporta sa proyekto sina Claveria Mayor LA Guillen-Yapo, mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Claveria at Cagayan, Department of Agriculture–Regional Field Office 2, at mga miyembro ng tumatanggap na kooperatiba.

Inaasahang makatutulong ang mga pasilidad na ito sa pagpapabuti ng postharvest operations at pagpapataas ng kalidad at halaga ng ani ng mga magsasaka sa lalawigan.