Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

Php69.49M rice processing system, pinasinayaan sa Misamis Oriental
by Christine V. Ang (June 8, 2026)
Pormal nang pinasinayaan noong June 4 ang Rice Processing System 2 (RPS 2) na nagkakahalaga ng Php69.49 million sa ilalim ng RCEF Mechanization Program, na inaasahang magpapalakas sa postharvest operations ng daan-daang rice farmers sa lalawigan.

Ang pasilidad ay ipinagkaloob sa First Community Cooperative ng Gingoog City, na binubuo ng 695 rice farmer-members na nagsasaka sa kabuuang 2,547.91 hectares sa Balingasag, Magsaysay, at Gingoog City.

Kabilang sa mga kagamitan ng rice processing system ang isang state-of-the-art multi-stage rice mill na may 2–3 tons per hour capacity at apat na recirculating dryers na may tigdalawang units na may drying capacities na 12 tons at 6 tons per hour.

Layunin ng proyekto na mapataas ang productivity at efficiency ng rice production habang binabawasan ang postharvest losses sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong machinery at postharvest facilities.

Inaasahan ding makatutulong ang pasilidad sa pagpapabuti ng kalidad ng ani at pagpapataas ng kita ng mga benepisyaryong magsasaka sa pamamagitan ng mas episyenteng pagpapatuyo at pagproseso ng kanilang ani.

Dumalo sa inauguration at turnover ceremony si DA Regional Field Office X Executive Director Jose Apollo Y. Pacamalan kasama ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Gingoog City at ng Unang Distrito ng Misamis Oriental.