Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija

NEWS STORIES

Y4M, kinilala ang mga boses at katuwang sa adbokasiya
by Alessandra Colleen S. De Guzman (May 27, 2026)
Sa ginanap na PHilMech Industry Day, binigyang pagkilala ng Youth for Mechanization (Y4M) ang mga partners at advocates na naging bahagi ng pagpapalawak ng adbokasiya nito para sa kabataang Pilipino at sa kinabukasan ng agrikultura.

Pinarangalan ang mga indibidwal, paaralan, opisina, at iba’t ibang organisasyon na naglaan ng kanilang oras, platforms, resources, at suporta upang mas makilala ang Y4M.

Iginawad ang Voice of Advocacy Awards sa mga indibidwal na ginamit ang kanilang boses, kaalaman, at impluwensya na mahikayat ang mas maraming kabataan na makita ang kahalagahan ng agrikultura at mekanisasyon sa bansa.

Ibinigay naman ang Partners for Change Awards sa mga schools, offices, at companies na naging katuwang ng programa sa pagbibigay ng opportunities at experiences para sa mga estudyante at kabataan.

Sa pamamagitan ng kanilang patuloy na suporta, mas maraming kabataan ang nabigyan ng pagkakataong matuto, makilahok, at mas makilala ang adbokasiya ng mekanisasyon sa agrikultura.

Kinilala rin ang mga estudyante mula sa kauna-unahang Y4M bootcamp sa kanilang aktibong partisipasyon at sa patuloy na suporta sa adhikain at panawagan ng programa para sa mga susunod na henerasyon.