Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

Php18.7M na rice processing system, pinasinayaan sa Cotabato
by Mark Dheniel A. Gutierrez (June 19, 2026)
Pormal nang pinasinayaan at isinagawa ang turnover ceremony ng Rice Processing System I (RPS I) mula sa RCEF Mechanization Program na nagkakahalaga ng Php18.7 million sa bayan ng M’lang, Cotabato noong June 17.

Ang RPS I ay binubuo ng isang rice mill na may 1.5-ton per hour milling capacity at dalawang recirculating dryers na may 6-ton per batch na drying capacity.

Inaasahang makatutulong sa pasilidad sa pagpapabuti ng postharvest operations, pagtaas ng kalidad ng bigas, at pagdagdag ng kita ng mga rice farmer. Inaasahan ding mapapalakas nito ang operasyon ng kooperatiba at makakatulong sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa M’lang.