Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

Modernisasyon ng industriya ng palay sa Maguindano del Sur, layon ng RPS
by Mark Dheniel A. Gutierrez (June 19, 2026)
Isang modernong Rice Processing System (RPS I) na nagkakahalaga ng Php17.4 million ang iginawad ng PHilMech sa Datu Paglas Farmers Irrigators Multipurpose Cooperative sa ginanap na inauguration at turnover ceremony nito noong June 16.

Ang pasilidad na binubuo ng isang rice mill na may 1.5-ton per hour milling capacity at dalawang recirculating dryers na may 6-ton per batch drying capacity ay sumisimbolo sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na gawing mas moderno ang industriya ng palay sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na postharvest technologies.

Sa pagsisimula ng operasyon ng RPS I, inaasahang mapapalawak ng kooperatiba ang kapasidad nito sa pagproseso ng palay at makapagbibigay ng mas maayos na serbisyo sa mga lokal na magsasaka.