Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

Kahandaan sa lindol, ipinakita ng PHilMech sa NSED
by Ma. Bernadeth P. Grospe, Jona T. Paulo (June 18, 2026)
Nakibahagi ang PHilMech sa 2026 Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bilang bahagi ng patuloy nitong pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan para sa disaster preparedness at risk reduction.

Isinagawa ang aktibidad noong ika-18 ng Hunyo sa pamumuno ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) katuwang ang Office of Civil Defense (OCD) at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS).

Ayon kay Safety Lead Engr. Edsel D. Radovan, maayos na naipakita ng mga kapwa kawani ang kahandaan sa pag-responde at hinimok ang bawat isa na ipagpatuloy ito hanggang sa mga susunod pang emergency drill.

Sa pamamagitan ng regular na pagsasagawa nito, pinagtitibay ng ahensya ang kakayahan nito na tumugon nang epektibo sa mga hindi inaasahang pangyayari, alinsunod sa layunin nitong mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa lugar ng trabaho.