Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija

NEWS STORIES

Rice processing facility sa Palawan, binisita ni DA Sec. Tiu Laurel
by Christine V. Ang (March 26, 2026)
Bumisita si Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ng Department of Agriculture, sa isang Rice Processing System (RPS 2) sa Narra, Palawan noong March 25, 2026, kasabay ng opisyal na turnover nito sa Municipal Local Government Unit ng Narra.

Ang RPS 2, na nagkakahalaga ng Php67.63 million, ay ipinagkaloob ng PHilMech sa ilalim ng RCEF Mechanization Program. Natapos ang pasilidad noong October 2025 at inaasahang makatutulong sa pagpapababa ng postharvest losses at pagpapataas ng kita ng mga magsasaka.

Ang nasabing pasilidad ay may isang multi-stage rice mill na may kapasidad na 3 tons per hour at apat na recirculating dryers na may 6 tons per batch na kapasidad.

Sa kanyang pagbisita, personal ding nakipag-ugnayan ang kalihim sa mga magsasaka upang alamin ang kanilang kalagayan at pangangailangan. Tinalakay rin ang mga hakbang upang higit pang mapahusay ang suporta ng pamahalaan, kabilang ang pagpapalawak ng mekanisasyon, pagbibigay ng mga pagsasanay, at mas madaling akses sa mga programang pang-agrikultura.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng PHilMech na sina Director IV Dr. Dionisio G. Alvindia at Director III Joel V. Dator, na nagpahayag ng kanilang suporta sa mga magsasaka ng palay sa lalawigan.