Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija

NEWS STORIES

WE Talk, nagtampok ng lakas at liderato ng kababaihan
by Karl Allen V. Aquino (March 25, 2026)
Bilang bahagi ng patuloy na pagsulong ng gender inclusivity at women empowerment sa ahensya, isinagawa ng PHilMech Gender and Development Focal Point System (GFPS) ang WE (Women and Everyone) Talk ngayong araw, March 25, sa PHilMech Main Office, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Layunin ng WE Talk, na may temang “Empowering Voices, Inspiring Change”, na bigyang-diin ang boses ng kababaihang lider at maibahagi ang kanilang mga kwento ng pamumuno mula sa iba’t ibang larangan.

Tampok sa aktibidad si Ms. Bernadette B. De Los Santos, Executive Director III ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries, na nagbahagi ng kanyang paglalakbay sa sining kasabay ng kanyang tungkulin bilang isang lingkod-bayan.

Kabilang din sa mga resource person si Ms. Michelle Dela Cruz, Manager ng Casile-Guinting Upland Marketing Cooperative, na tinalakay ang kanyang karanasan sa pamumuno ng isang kooperatiba, kabilang ang mga hamon at tagumpay na kanyang hinarap.

Samantala, nagsilbi ring resource person si Ms. Rogerine Miguel-Irvine, Director for Innovations ng Women’s Alliance for Security and Peace Asia, na nagbigay-inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang kwento bilang isang entrepreneur at innovator.

Naging aktibo rin ang mga kalahok sa isinagawang question and answer session kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na magtanong at makipagpalitan ng kaalaman sa mga resource person.

Samantala, nagbigay naman ng mensahe at pasasalamat si Ms. Bezt Gee S. Magararu, PHilMech GAD Focal Person, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagbibigay-inspirasyon ng mga resource person sa patuloy na paghubog ng lakas, tapang, at kakayahan ng kababaihan.

Aniya, “You have inspired us, to find our best versions of ourselves. Through your words and journeys, you made us realize that women are powerful forces of development or catalyst of change. Women can rise or persevere above challenges, women can find courage amidst adversity, and women can use or share their stories to uplift and inspire each other.”

Sa pamamagitan ng WE Talk, pinagtitibay ng PHilMech ang pangako nitong itaguyod ang inklusibo at makabuluhang partisipasyon ng kababaihan bilang mahalagang puwersa sa pag-unlad ng agrikultura at lipunan.