Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija

NEWS STORIES

Info-drive, isinagawa sa FITS Centers sa Bulacan
by Mary Ann Rose G. German (March 2, 2026)
Bilang bahagi ng patuloy na pag-uupdate ng postharvest section ng mga Farmers Information and Technology Services (FITS) Centers, siyam (9) na bayan at lungsod sa probinsya ng Bulacan ang tumanggap ng bagong set ng Information, Education, and Communication (IEC) materials mula sa PHilMech nitong Pebrero 25-26.

Kabilang sa mga nakatanggap na lugar ang Marilao, Meycauayan, Balagtas, Plaridel, Bocaue, Guiguinto, San Jose del Monte, Malolos, at Santa Maria. Layunin ng pamamahagi na mapalakas ang kaalaman ng mga magsasaka at stakeholders hinggil sa wastong postharvest technologies, na makatutulong sa pagbawas ng postharvest losses at pagtaas ng kalidad at halaga ng ani.

Bukod rito, nagsagawa rin ng paunang talakayan ukol sa planong information series na pangungunahan ng Provincial Agriculturist katuwang ang mga municipal at city agriculturists ng nasabing probinsya.

Ibabatay ang isasagawang info-series sa aktuwal na pangangailangan ng mga magsasaka sa bawat bayan at lungsod upang matiyak na ang mga paksang tatalakayin, lalo na sa postharvest handling at mechanization, ay praktikal, napapanahon, at may direktang pakinabang sa produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka sa Bulacan.