Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija

NEWS STORIES

Multi-stage rice mill, pinasinayaan
by Pia Sarina M. Fukasawa (February 26, 2026)
Malaybalay City, Bukidnon — Pormal nang pinasinayaan nitong Pebrero 24, sa Brgy. Linabo ang bagong Multi-Stage Rice Mill na may kapasidad na 1.5 tonelada kada oras para sa Linabo Agrarian Reform Cooperative.

Nagkakahalaga ng kabuuang Php 11,050,000, ang pasilidad na inaasahang makatutulong sa 105 miyembro at benepisyaryo ng kooperatiba.

Layunin nitong mapabuti ang proseso ng paggiling ng palay, mapataas ang kalidad ng bigas, at mapalakas ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka sa lugar.