Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija

NEWS STORIES

Capiz, makikinabang na sa rice processing facility
by Mark Dheniel A. Gutierrez (February 20, 2026)
Inaasahang makagagawa na ng mas de-kalidad na bigas ang mga magsasaka ng Pontevedra, Capiz matapos igawad sa lokal na pamahalaan nito ang Rice Processing System 2 sa ilalim ng RCEF Mechanization Program nitong February 19.

Nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php60 milyon ang nasabing pasilidad na binubuo ng isang multi-stage rice mill at dalawang recirculating dryer. Makatutulong ito sa mas maayos at episyenteng pagproseso ng palay sa lalawigan.