Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija

NEWS STORIES

Rice processing facility, pinasinayaan sa Cagayan
by Mark Dheniel A. Gutierrez (February 19, 2026)
Pormal na pinasinayaan ng PHilMech ang Rice Processing System (RPS) 2 na handog ng RCEF Mechanization Program sa samahan ng Pagsanggiran ti Mannalon Multi-purpose Cooperative mula sa Abulug, Cagayan nitong February 18.

Nagkakahalaga ang RPS ng Php63.8 million, kabilang ang isang multi-stage rice mill na may 2–3 tons milling capacity per hour at dalawang recirculating dryer na may 12 tons drying capacity per batch.

Inaasahan na makatutulong ito sa pagpapabuti ng ani at kita ng mga magsasaka sa lugar.

Naging katuwang sa aktibidad ang DA-Regional Field Office II, Municipal Local Government Unit of Abulug, at iba pang opisyal mula sa DA at Land Bank of the Philippines.