Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija

NEWS STORIES

PHilMech, nagsagawa ng Pahuway 2026 Workplace Wellness Day
by Karl Allen V. Aquino (February 10, 2026)
Isinagawa ng PHilMech ang Pahuway 2026: A Workplace Wellness Day upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pansamantalang paghinto sa gawain at pagbibigay-pansin sa pahinga bilang bahagi ng work-life balance sa ahensya sa PHilMech Main Office, Science City of Muñoz noong February 9.

Pinangunahan ni Director III Joel V. Dator ang programa sa isang maikling panimula, na sinundan ng pagbabahagi ni AD-HRMS Chief Ms. Lovelle D. Ramos kung ano ang pahuway.

Nagkaroon din ng isang Talakayang Pahuway kung saan tinalakay ni Mr. Jequexer Legaspi Garlejo, isang part-time philosophy educator, ang pahuway o the power of pausing, ang kahalagahan ng pansamantalang paghinto.

Tinalakayan naman ni Hon. Banjo Z. Munar, isang seasoned public servant mula sa San Jose City, Nueva Ecija, ang padayon o showing up and moving forward, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagharap at pag-usad sa kabila ng pressure at hamon ng buhay.

Dagdag dito, tinalakay naman ni Ms. Ylona Veronica Aben-Bayod, isang licensed psychologist at psychometrician, ay nagbigay-diin sa puhon o trusting in perfect timing, ang kahalagahan ng pagtitiwala sa tamang panahon.

Samantala, nagpatuloy naman ang programa sa Balik Sama: A Shared Table Experience kung saan nagsalo-salo ang mga kawani sa isang boodle fight.

Sa hapon, nagkaroon ng mga aktibidad tulad ng Tagpuan, Kainan sa Pahuway, Palaro, at music jam handog ng PHilMech Himig Anihan, na nagbigay ng pagkakataon sa mga kawani na magsaya, makipag-ugnayan, at magpahinga mula sa abalang ritmo ng trabaho.

Click here to view more photos