Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija

NEWS STORIES

Provincial turnover ng RCEF machinery, isinagawa sa Misamis Oriental
by Pia Sarina M. Fukasawa (January 28, 2026)
Isinagawa nitong January 26 ang ceremonial turnover ng mga agricultural machinery sa lalawigan ng Misamis Oriental bilang bahagi ng patuloy na suporta ng RCEF Mechanization Program sa modernisasyon ng sektor ng agrikultura sa probinsya.

Pitong farmers’ cooperatives and associations mula sa mga bayan ng Naawan, Alubijid, El Salvador City, Gingoog City, Lagonglong, Magsaysay, at Opol ang tumanggap ng mga makabagong makinaryang pansaka.

Nasa 13 na units ang ipinagkaloob, kabilang ang tatlong four-wheel drive tractors, isang rice combine harvester, anim na village-type rice mills, at tatlong precision rice seeders.

May kabuuang Php 18,680,173 ang halaga ng mga makinaryang ipinamahagi na inaasahang makatutulong sa pagpapataas ng produksyon, pagbawas ng gastusin sa pagsasaka, at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga magsasaka sa lalawigan.