Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

Benchmark visit, ikinasa ng Radyo Agri sa PIA-NE
by Ma. Bernadeth P. Grospe (September 18, 2025)
Nagsagawa ang Radyo Agri News and Current Affairs team ng benchmark visit sa Philippine Information Agency-Nueva Ecija nitong September 18 sa Cabanatuan City.

Nagsilbi itong paraan upang makakuha pa ng mga best practices ang Radyo Agri partikular sa pangangalap at pagsulat ng balita, maging ang pagkakataon sa pagpapalitan ng mga mahahalagang impormasyon sa pagitan ng istasyon at PIA.

Sa naging talakayan ay ibinahagi ng PIA-NE team sa pangunguna ni Government Information Center Coordinator Camille C. Nagaño ang ilan sa kanilang mga estratehiya sa pagkalap ng mga balita gaya ng coordination nito sa iba pang mga news at media organizations at mga sangay ng pamahalaan, at imbitasyon sa mga local government units (LGUs).

Ibinahagi rin niya ang koordinasyon nito sa PIA Central at Regional Offices para sa mga national at regional na mga balita, maging ang mga impormasyong nakukuha mula sa mga lehitimong social media accounts bilang news sources.

Ipinakilala naman nina Radyo Agri Program Lead Ma. Bernadeth P. Grospe at News Anchor Vanessa D. Pallar ang Radyo Agri 90.1 FM, maging ang ilan sa mga kaparaanan ng istasyon para sa news gathering, writing, and broadcasting sa pamamagitan ng Centro Balita program.

Naging pagkakataon din ito upang magkaroon ng malawak na network ang dalawang media group, at inaasahan din ang isang broadcast collaboration na ikakasa sa susunod na taon.