Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
(044) 4560-213, od@philmech.gov.ph

NEWS STORIES

Pagsasanay sa RAFMES isinagawa sa Camarines Norte
by Ma. Bernadeth P. Grospe (September 12, 2025)
Isinagawa ng PHilMech ang Hands-on Training on the Registration of Ownership of Agricultural and Fisheries Machine and Equipment System (RAFMES) noong September 10 sa Daet, Camarines Norte.

Umabot sa halos 30 ang mga naging kalahok ng pagsasanay na binubuo ng mga Municipal Committee on Agriculture Chairperson at mga kinatawan ng Municipal Agriculture Office (MAO).

Layunin ng naturang training na mabigyan ng kaalaman ang mga kalahok tungkol sa RAFMES na pinangangasiwaan ng PHilMech.

Ilan sa mga ibinahaging impormasyon ng ahensya ang RAFMES overview, maging ang Joint Memorandum Circular (JMC) 2018-02 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at implementing policy and guidelines ng RAFMES, at pagrehistro sa Registration Application Form.

Kasama rin sa naging aktibidad ang hands-on activity sa paggawa ng user accounts, pag-encode at update, data entry validation, printing ng mga QR sticker at CAFMER, at report generation.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na magtanong at magbahagi ng kanilang obserbasyon hinggil sa proseso ng pagpaparehistro, at kung paano ito makatutulong sa pag-unlad ng kani-kanilang bayan.

Pinangunahan ng Interim Communication Technology and Digital Transformation Division (ICTDTD) ng PHilMech ang nasabing aktibidad kasama ang Provincial Agriculture and Biosystems Engineering Office (PABEO) ng Camarines Norte.