Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF AGRICULTURE
Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization
CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija

NEWS STORIES

RPS II sa Davao del Norte, hatid ang modernong pasilidad at produktong dekalidad
by Vanessa D. Pallar (December 18, 2025)
Modernong pasilidad at produktong dekalidad ang hatid ng Rice Processing System (RPS) II na handog ng RCEF Mechanization Program sa lokal na pamahalaan ng Davao del Norte.

Isang opisyal na inagurasyon ang isinagawa nitong December 17 sa Barangay Capungagan, Kapalong sa nasabing probinsya.

Binubuo ang pasilidad ng state-of-the-art multi-stage rice mill na may 2–3 tons per hour capacity na may halaga na Php54.7M.

Kasabay nito, isinagawa rin ang groundbreaking ceremony ng dalawang unit ng Drying System I na binubuo ng agricultural shed at mga recirculating dryers na may halaga na Php22.7M.

Sa pamamagitan ng modernong pasilidad na ito, inaasahang mapababa ang postharvest losses, mapataas ang kalidad ng bigas, at mapalaki ang kita ng mga magsasaka.

Patunay ang proyektong ito sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na isulong ang modernisasyon ng agrikultura, palakasin ang postharvest efficiency, at tiyakin ang mas matatag at masaganang kabuhayan para sa mga magsasaka ng Davao del Norte.